Huwag pa-budol!
- Word on the Street
- Aug 13
- 2 min read
Word on the Street is Kontra-Kwento’s letter to the editor. Send yours to kontakwento@gmail.com
To be sure, walang dapat maging “Dutertard” o “Marcos loyalist.” Yan ang pinaka-delikadong binary thinking ngayon. Instead, everyone must be a “Philippinist.” Our loyalty must be to our country, lalo na tayong mga former rebels. Pero sige, pag-usapan natin kung bakit galit na galit ang CPP (Communist Party of the Philippines) sa mga Duterte, at kung bakit kailangan nating maging wais tungkol dito.
One, noong mayor pa si Sara Duterte sa Davao City, pinasara niya hindi lang sa Davao City kundi sa buong rehiyon ang Salugpungan at MISFI* schools. Almost dalawang dekada nang ginagamit ng CPP (openly o palihim) ang schools na ito (take note, buong Mindanao ang mga ito, from Far South to Northern Mindanao) para mag-train at mag-indoctrinate ng mga future cadres. In short, sinira ni Duterte yung “grooming and fundraising pipeline” na decades nang pinagkakakitaan ng kilusan.

Two, walang kiyeme niyang binanatan ang mga grupong alam naman ng lahat na front ng CPP. Nanawagan pa syang i-audit at i-imbestigahan ang pondo at koneksyon ng mga ‘to, hakbang na literally nag-shake sa political at legal support system ng CPP. Para sa kanila, hindi lang ‘to hassle, kundi life-or-death level threat sa survival nila, lalo sa Davao na matagal nilang teritoryo.
Pero ang pinaka–hindi nila forgive na ginawa ng mga Duterte, lalo ng dating administrasyon? Executive Order No. 70. Yung nag-institutionalize ng whole-of-nation approach sa pamamagitan ng NTF-ELCAC. Dito nagka-one-two punch ang gobyerno. Government agencies, civil society, at security forces sabay-sabay na umatake sa ugat ng insurgency. Resulta? Mass surrenders, internal na awayan sa Partido, at record-breaking na isolation sa history ng CPP-NPA-NDFP. Kaya para sa kanila, ang pag-target sa sinumang Duterte ay hitting two birds with one stone: personal vendetta na, preemptive strike pa.
So huwag tayo magpa-budol. Hindi ‘to tungkol sa pagpili kung Dutertard ka o Marcos loyalist. Para sa CPP at sa legal mass movement nila, kalaban ang kahit sinong pinaka–malaking banta sa agenda nila. Sinimulan ito ng mga Duterte, at tinutuloy ngayon ni Pres. Marcos, yung kampanyang pag-decimate sa kanila hanggang sa huling hibla.
And by all means, tuloy natin imbestigasyon kay VP Sara, subject to due process. Pero dapat gets din natin na yung pinakamalalakas sumigaw para patalsikin siya, they’re not after “justice.” Gusto nilang bumawi. And heaven help us if we mistake their posturing for principle. In the end, sila ang panalo, at ang sambayanang Pilipino ang talo.
Frenchie Reyes
Former rebel galing Mindanao
*Salugpungan and MISFI schools (formally Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. and Mindanao Interfaith Services Foundation, Inc. ) were community-based institutions established in the early 2000s by non-government organizations in Mindanao. They were later ordered closed by the Department of Education in 2019 amid findings of regulatory non-compliance, such as lack of licensed teachers, failure to secure proper ancestral domain consent, unauthorized fundraising, and alleged use as recruitment sites for the CPP–NPA insurgency.—Editors.

