top of page

Organisasyon ng mga Former Rebels, iginiit na ang pagsasabi ng totoo ay hindi red-tagging

  • ..
  • May 26
  • 2 min read

Si Pedro Arnado, dating tagapagsalita ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - Southern Mindanao Region at kasalukuyang Peasant Committee ng Kalinaw SEMR, sa malaking rally ng rehiyunal na organisasyon ng mga former rebel noong Pebrero 28 upang ipanawagan sa COMELEC na ibasura ang Resolution No. 11116 nito.
Si Pedro Arnado, dating tagapagsalita ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - Southern Mindanao Region at kasalukuyang Peasant Committee ng Kalinaw SEMR, sa malaking rally ng rehiyunal na organisasyon ng mga former rebel noong Pebrero 28 upang ipanawagan sa COMELEC na ibasura ang Resolution No. 11116 nito.

MAYNILA—Kinundena ng Buklod Kapayapaan, ang pambansang pederasyon ng mga people's organization ng mga dating rebelde, ang pagsampa ng reklamo ng mga partylist sa ilalim ng Makabayan bloc sa Southern Mindanao sa Commission on Elections Region XI laban sa Kalinaw Southeastern Mindanao.


Noong Mayo 10, dalawang araw bago ang eleksyon, nagsampa ng 32 insidente ng paglabag sa COMELEC Resolution No. 11116 laban sa Kalinaw SEMR, isang organisasyon ng mga former rebel sa rehiyon, at sa presidente nito na si Arian Jane Ramos.


Matatandaang naglabas ang Comelec ng Resolution No. 11116 na naglalayon umanong protektahan ang isang indibidwal mula sa mga paninira at diskriminasyon. Mariin itong tinutulan ng mga former rebels na naninindigang ginagamit ito ng Makabayan bloc upang palabasing “red-tagger” ang mga former rebel na nagsisiwalat ng katotohanan hinggil sa kaugnayan ng Makabayan bloc at CPP.


Ayon sa pahayag ng Buklod Kapayapaan, ang pag-atake ng Makabayan bloc sa mga tinatawag nitong “traydor sa rebolusyon” ay mapanganib at nagpapakita lamang ng desperasyon na patahimikin at supilin ang mga former rebel mula sa pagsasabi ng totoo.


“Bilang pederasyong nakatuon sa kapayapaan at kaunlaran, tinitingnan namin ang mga kilos ng mga partylist ng CPP bilang mapanganib sa sambayanang Pilipino—hindi dahil sa kanilang umano'y pagtataguyod sa karapatan at interes ng taumbayan, kundi dahil ginagamit nila itong panakip sa pagrerekrut para sa naghihingalong armadong pakikibaka,” pahayag ng pambasang pederasyon.


Samantala, iginiit ng Kalinaw SEMR sa isang bukas na liham nito na ang kanilang isinagawang voters awareness campaign ay isang lehitimong paggamit sa karapatan sa malayang pagpapahayag at protektado ng Konstitusyon.


“Inaangkin ninyong kayo ay biktima ng ‘red-tagging’ dahil ipinakikilala ninyo ang inyong mga sarili bilang mga sibilyan at miyembro ng mga organisasyong protektado ng Konstitusyon,” saad ng Kalinaw SEMR sa kanilang dating mga kasamahan sa kilusan.


“Ngunit HINDI nito nabubura ang inyong kaugnayan sa Communist Party of the Philippines (CPP) o ang inyong papel sa pagrerekluta para sa New People’s Army (NPA). Alam namin ito dahil minsan din kaming bahagi ng CPP-NPA-NDFP—kasama kayo—kung saan itinuro sa atin na palaging itanggi ang anumang koneksyon sa kilusang komunista at mariing pasinungalingan ang kahit anong paratang.”


Sa pakikiisa ng Buklod Kapayapaan sa voter awareness campaign ng Kalinaw SEMR, hinikayat din nito ang iba pang mga dating rebelde at mga rehiyonal na pederasyon na magsalita laban sa anumang tangkang manipulahin ang demokratikong proseso para isulong ang marahas na adyenda ng CPP-NPA-NDFP. Published on May 12, 2025


Basahin ang mga pahayag:Buklod Kapayapaan denounces efforts to silence truth, Buklod Kapayapaan


𝐓𝐨 𝐨𝐮𝐫 𝐟𝐨𝐫𝐦𝐞𝐫 𝐜𝐨𝐦𝐫𝐚𝐝𝐞𝐬 𝐢𝐧 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡𝐞𝐫𝐧 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧'𝐬 𝐔𝐫𝐛𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞𝐬, Kalinaw SEMR






 
 
 

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page