SONA NG CPP Reality Check: 9 Katotohanang Bumabasag sa Ilusyong Komunista
- Mau Chaeyoung

- Aug 1
- 7 min read
Updated: Aug 9

Taun-taon, ginugugol ng CPP-NPA-NDFP ang State of the Nation Address (SONA) bilang plataporma upang gamitin ang kahirapan ng mamamayan bilang kasangkapan sa kanilang propaganda—isang pagtatangkang bigyang-katwiran ang patuloy na pagsusulong ng armadong rebolusyon at ekstremistang ideolohiya.
Pero, mga mars, need rin ata ng CPP ng reality check—isang pagtutuwid sa pambabaluktot at propaganda ng kilusan.

1. Malawak na Epekto ng Coco levy sa Kabuhayan ng Magsasaka
PROPAGANDA:
Matagal nang pinagkaitan ng katarungan ang mga magniniyog. Sina Marcos Sr. at ang kanyang mga kroni ang sumipsip sa kabuhayan ng mga magniniyog sa pamamagitan ng coco levy fund.
REYALIDAD:
Noong 2021, naipasa ang RA 11524 para sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund—may paunang pondo na ₱105B para sa mahigit 3.5M na magniniyog. Pero 'di ito ayuda na isang bagsakan tapos ubos. Ginagastos ‘to nang maayos: sa farm-to-market roads, insurance, training, at post-harvest facilities. Ang goal? Long-term na asenso, hindi pang-isang kain lang. Pinapagana ng Philippine Coconut Authority, at naka-programa lahat para siguradong balik-tubo sa magsasaka. Kaya ‘yung “ibigay na lang ng cash” take ng CPP? Miss na miss ang point, diba? Hindi ito instant noodles! Ito’y pangmatagalang ulam para sa buong komunidad.
2. Makabuluhang Tugon sa mga Pangangailangan sa Kanayunan
PROPAGANDA:
“Pinapalawak ng rehimen ang marahas at mapanlinlang na kontra-insurhensiyang programa sa pamamagitan ng bagong NAP-UPD (National Action Plan–Unity, Peace and Development). Nilalaman ng planong ito ang paggamit ng batas bilang sandata, pekeng pagsurender, red-tagging, disimpormasyon, pananakot, at militarisasyon sa kanayunan”.
REYALIDAD:
Ang NAP-UPD ay parang “all-in-one” na peace and development plan ng gobyerno. May pa-infra, pa-livelihood, at reintegration sa mga dating conflict zones. Sinasakop nito ang mga lugar na dati ay hawak ng armadong grupo. Pero ayon sa mega-nega na CPP, ginagamit daw ito para mang-red-tag at manindak ng aktibista, hindi para tumulong. Pero sabi ng gobyerno, naka-angkla ‘to sa PDP 2023–2028, para sa totoong serbisyo’t hustisya. So ayun, debate kung tulong ba talaga o takot ang hatid, pero kung basic needs at kapayapaan ang batayan, maraming komunidad ang mas pipiliin ang proyekto kaysa propaganda. Madali namang i-fact-check yan. Punta ka lang ng mga communities na dating “stronghold” ng NPA and see the proof for yourself.
3. Amnestiya at Peace Process: Pagbabalik-loob at Integrasyon
PROPAGANDA:
“Laging bahagi ng kontra-rebolusyonaryong plano ng kasalukuyang rehimen ang mga mapanlinlang na taktika tulad ng alok na amnestiya, paninira at red-tagging, pagtatayo ng mga pekeng organisasyon, pananakot, paniniktik, pagdukot, pamamaslang o masaker, matinding militarisasyon, at pambobomba sa kanayunan”.
REYALIDAD:
Sino ba talaga ang tuso? Sino ang tunay na nagmamanipula kung ang mga “legal front organizations” ng CPP-NPA ay umaangal at sumisigaw ng “red-tagging” — habang sila mismo ang pangunahing nanghihikayat sa taumbayan na lumahok sa New People’s Army.
Hindi malinaw sa mamamayan ang paninindigan ng CPP-NPA kasama ang mga legal na organisasyon nito sa masa, kung kaya’t wala na itong kredibilidad. Kung tutuusin, ang CPP talaga ang tunay na “fake organization.”
Noong Marso 2024, inilunsad ng gobyerno ang Amnesty Program para sa dating mga rebelde. Pinirmahan ang Proclamation Nos. 403 hanggang 406 na nagbubukas ng daan sa legal na pagbabalik-loob ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF, Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF) at Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade" (RPMP-RPA-ABB). May IRR na’t lahat, at ayon sa National Amnesty Commission, may libu-libo na ang nag-apply.
Pero ang take ng CPP? Peke raw. Oppression daw, hindi integrasyon. (Nakalimutan siguro ng CPP na ang mga kadre mismo nito ay naging benepisyaryo ng amnesty noong dekada 80’s hanggang early 90’s.) Pero kung titignan mo, may livelihood package, psychosocial support, at legal safety nets na kasama. So kung “pananakot” daw ‘yan, eh bakit maraming mga sumuko at nagpapanibagong-buhay? Minsan, propaganda lang talaga ang ayaw magpa-rehabilitate.
4. Panghihikayat at Pag-organisa sa Mamamayan – Paglaban sa Panlilinlang
PROPAGANDA:
“Lalong tinututukan ng rehimen ang mga paaralan, kabataan, guro, at midya upang pigilan ang pagtaas ng mga lehitimong protesta at kontrolin ang naratibo ng kasaysayan.”
REYALIDAD:
Sabi ng CPP, minamanmanan daw ng gobyerno ang kabataan para supilin ang protesta. Pero let’s be honest: 'di protesta ang target, kundi panlilinlang at rekrutment. Ang daming kabataan ang naloko sa “edukasyong makabayan” na pa-workshop lang daw, pero recruitment drive pala. Kaya oo, binabantayan ang eskwelahan, kasi ‘yun mismo ang naging entry point ng kilusan. Plot twist? Hindi “suppression” ang peg ng gobyerno, kundi awareness campaign. Tulad ng campus forums, peace education, at social media info drives para malaman ng kabataan kung ano ang front org, anong red flag ang propaganda, at bakit hindi totoong “activism” ang may NPA recruitment sa likod. Hindi ito “control ng narrative;” ito’y pagbawi ng truth sa mga sinungaling. So next time na may mag-yaya sa ‘yo sa “exposure trip” na may lecture about “semi-feudal, semi-colonial society,” double check mo muna. Baka hindi ka tinuturuan. Baka tinatarget ka na.
5. Akusasyong Foreign Control sa Kapakanan ng mga Pilipino
PROPAGANDA:
“Ang NAP-UPD ay bahagi ng disenyong imperyalista ng US upang mapanatili ang hegemonya nito sa daigdig.”
REYALIDAD:
Ayan na naman sila sa “US imperialism” card—ulit-ulit, walang resibo. Parang laging default excuse kapag nauubusan ng paliwanag. Pero ‘di nila kayang i-breakdown kung paanong ang NAP-UPD, na may barangay dev’t projects, livelihood support, at reintegration ng FRs, ay imperyalismo nga ba o basic public service lang talaga. Ang linya nila? Laging vague, broad, tapos tatalak lang ng “hegemony” habang wala namang konkretong alternatibo. Kung tutuusin, mas mukhang scripted meme thread sa Twitter kaysa legit na analysis. Let’s be real: ang masa ngayon naghahanap ng kalsada, signal, trabaho, not ideological throwback. Kung “foreign-controlled” ang ayuda at kabuhayan, eh bakit mas maraming barangay ang kumakapit sa gobyerno kaysa kilusan? Maybe it’s not imperialism. Maybe it's just the people choosing progress over propaganda.
6. Sama-samang Pagkilos ng Lokal na Sektor
PROPAGANDA:
“Ipinagmamalaki ng rehimen na kapag dineklarang "cleared" ang mga lugar gaya ng baryo, paaralan, at komunidad, ito’y ganap na makokontrol at hindi na babalikan ng mga rebolusyonaryo. Subalit, sa loob ng mahigit limampung taon, patuloy na nabibigo ang mga pasistang rehimen sa pagsugpo sa kilusang rebolusyonaryo.”
REYALIDAD:
Hindi totoo na puro sundalo lang o “clearance ops” ang nagtataboy sa CPP-NPA sa mga baryo. Real talk: ang masa mismo ang umay na! As in, halos 12,474 barangays at 90% ng LGUs na ang nagsabing “no thanks” sa kilusan at naglabas pa sila ng persona non grata resolutions laban sa mga “rebolusyonaryo.” Collective decision ng mga komunidad yan na sawa na sa pananakot, extortion, at recruitment. ‘Di ba nga, may Barangay Development Program pa na naglalatag ng mga proyekto sa “cleared” areas, tulad ng kalsada, tubig, at livelihood, kaysa propaganda. So ‘yung sinasabi ng CPP na sila pa rin ang legit at suportado ng masa? Gurl, parang ikaw lang ang naniniwala diyan. Ang totoo, unti-unti nang iniiwan ng masa ang kilusan. Ang mga komunidad mismo ang nagpapalayas, hindi baril. Kaya kung clingy ka pa rin sa NPA, time to let go. The barangay already moved on.
7. Pagbabalik-loob ng mga Dating Rebelde sa Lipunan
PROPAGANDA:
“Ang lumalalang krisis sa lipunan—ang mismong kalagayan ng bansa—ang patuloy na nagsisilang ng mga rebolusyonaryo”.
REYALIDAD:
Let’s get real—hindi krisis sa lipunan ang nagsisilang ng “rebolusyonaryo.” Kung ayaw mo sa CPP-NPA-NDFP, hindi awtomatik na ayaw mo na ng pagbabago sa lipunan. Napaka-conceited naman ng kilusan para mag-claim sa sila lang ay may monopoly sa kagustuhan ng social change.
And ang totoo? Mga dating rebolusyonaryo na mismo ang nagsisuko. Plot twist! Hindi dahil napaamo sila, kundi dahil naliwanagan sila na may ibang paraan pa para maresolba ang mga problema ng lipunan. ‘Yung sinasabi ng CPP na “dumarami kami” ay parang “in a relationship” status sa FB—wishful thinking. Sa dami ng nagsisurender (from 89 active guerilla fronts last 2018, nitong 2025, wala nang active front), kita mo nang the call is coming from inside the house. Mas panipis na ang hanay, mas pa-desperado ang narrative. Gusto pa ring magmukhang relevant para makahikayat, makarekrut at maka-rekober. Pero ang tunay na krisis? Crisis of credibility ng kilusan. Kahit anong rebranding mo—legal fronts, edgy hashtags, or throwback Marxist memes—people are leaving. Kasi ‘di ka na makakain, ginagahasa mo pa iilang members mo, enablers ka pa ng abusers, ‘di ka na makakatulog nang payapa. The streets are speaking, and they’re saying: #UnsubscribeSaNationalDemocraticMovement.
8. Mataas na Inisyatiba ng Mamamayan – Unti-unting Pagkamit ng Tagumpay
PROPAGANDA:
“Walang anumang panunupil ang makapipigil sa isang kilusang ang ugat ay nasa pagpapalaya ng mamamayan. Ang mamamayan ay muling babagon at tatayo sa sarili nitong paa.”
REALITY:
Hoy CPP, let’s not gaslight the nation. Hindi niyo na pwedeng angkinin ang bawat community success story. Kasi FYI, matagal nang nagka-backbone ang mamamayan, at hindi dahil sa inyo. Ang mga tao sa komunidad, kahit walang "Party directive," nakakagawa ng sariling orgs, nag-oorganisa ng iba’t ibang initiatives, community livelihood projects—sans arm struggle. Pero heto kayo, biglang sisilip, sasabihin “dahil sa kilusan ‘yan!” Bruh, stop stealing credit like it's a group project. Noon pa man, gusto lang umusad ng masa, wala naman talagang balak sumampa sa bundok. Pero kayo ang nag-weaponize sa problema ng masa. Totoo: grassroots power is real. Pero hindi niyo na monopoly yan. Ayaw na ng masa ng magpa-victim para magkapera ang kilusan. At kung may babangon man, ang masa ‘yun—and not you.
9. Tunay na Pulso ng Mamamayan – Para sa Pag-unlad at Kapayapaan, Malayo sa Karahasan
PROPAGANDA:
“Pinalalalim ng CPP-NPA ang pag-unawa sa lipunang Pilipino, pinapalakas ang ugnayan sa batayang masa, pinalalawak at pinatatatag ang kanilang mga organisasyon, pinauunlad ang husay sa taktika ng pagkakaisang hanay, at buong tapang na sumusulong”.
REALITY:
Delulu. Let’s be honest: the CPP-NPA-NDFP is not “buong tapang na sumusulong,” it’s desperate. Ang mga statement nito, paulit-ulit, recycled, halos template na. Kasi kahit sila, alam nilang sablay. Kaya nga may rectification, di ba? Pero never nitong aaminin na ang pagkatalo ay partly dahil sa whole-of-nation approach ng gobyerno, kasi unti-unting naagawan sila ng masa. Partly rin sa arogansya, feeling sila lang ang may karapatang mangarap para sa bayan. And let’s not forget: no foot on the ground. Wala na sa komunidad, wala na sa puso ng tao. Kaya nga desperado sila ngayong i-claim na “mas lumalalim” pa raw ang ugnayan sa masa, kahit obvious na disconnected na. Hindi ito revolutionary growth, mga mars. Ito'y coping mechanism na lang.






Comments