top of page

Amnestiya para sa mga FR nilinaw sa FR, Peacebuilders Summit sa CDO

  • Damian Santillana
  • Sep 12
  • 2 min read
Photo courtesy of 4ID Philippine Army
Photo courtesy of 4ID Philippine Army

Pitumpu’t siyam na mga former rebel (FR) o dating mga myembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines ang dumalo sa ginanap na Kalinaw sa Amihang Mindanao: FR and Peacebuilders Summit cum Demilitarization of Turned-In Firearms noong ika-10 ng Setyembre, sa Chali Resort and Conference Center, Cugman, Cagayan de Oro City. 


Tampok sa programa ang pagtatalakay ng mga naging pag-abante sa pagpapatupad ng E-CLIP (Enhanced Comprehensive Local Integration Program) at mga paglilinaw hinggil sa Amnesty Program para sa mga FR.


Isa sa mga lumitaw na katanungan mula sa mga FR ay kung maaari pa rin bang mag-apply ang mga FR na sumuko bago ang taong 2016. Ayon sa National Amnesty Commission, ang kasong rebelyon ay mayroong 20 taong prescriptive period. Ibig sabihin, maaari pa ring sampahan ng estado ng kaso ang isang FR sa loob ng 20 taon mula sa pagkaka-diskubre ng krimen, kaya’t hinihikayat ang lahat na magsumite ng aplikasyon para sa amnestiya.


“Malaking tulong sa amin ang amnestiya at safe conduct pass,” ani alias Lenlen, isa sa mga FR na dumalo ng naturang summit. “Kasi paano nga naman kami makakatulong sa pamahalaan sa pagpapalaganap ng kapayapaan kung natatakot kami na huhulihin pa rin kami at hindi kami makakilos?”


Dinaluhan ng mga myembro ng panrehiyong pederasyon ng mga FR na Amin-Kalinaw, inilunsad summit sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at iba pang mga ahensya ng gobyerno ng Cagayan de Oro.


Sa pangunguna ni Major General Michele B. Anayron Jr., Commander ng 4ID, nagkaroon din ng Pledge of Commitment kung saan nanumpa ang mga FR ng dedikasyon sa paglisan sa armadong pakikibaka at pamumuhay ng mapayapa bilang mga mamamayan.


Sa panapos na mensahe ni Maj. Gen. Anayron, binigyang-diin nya ang pagkakaisa ng mga samahan ng FR sa Northern Mindanao, lalo na sa dating erya ng North Central Mindanao Regional Party Committee ng CPP.


Sa pagtatapos ng summit, nakatanggap din ang mga FR ng immediate and livelihood assistance sa ilalim ng E-CLIP at mga seedlings para sa pagpupundar ng kabuhayan. Ginanap din kasabay ng summit ang isang caravan ng mga serbisyo mula sa Department of Health, Department of Agriculture at Philippine Statistics Authority.

 
 
 

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page