top of page

Netizens pinuna ang mga aktibistang heckler na nag-viral sa social media dahil sa masamang asal

  • Writer: Bong Valbuena
    Bong Valbuena
  • 2 hours ago
  • 2 min read

MAYNILA—Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga aktibista at pulis sa rally para sa International Women's Day noong March 8, habang sinusubukang marating ng grupo ang US Embassy sa Roxas Boulevard.


Sa mga viral na bidyong mula sa International Women's Day rally noong Marso 8, makikitang sinusubukang itulak ang barikada at sumisigaw ng malakas ang ilang demonstrador.


Ayon sa mga ulat mula sa ABS-CBN News at iba pang sources, hinarangan ng Manila Police District ang mga raliyista sa Kalaw Avenue dahil hindi raw rally zone ang lugar malapit sa embassy. Sa halip na tumigil, nagpatuloy ang ilang demonstrator sa pagtulak ng barikada, na nagresulta sa gulo kung saan may natumbang mga pulis at protesta participants, kabilang ang isang female police officer na nagkaroon ng minor ankle injury.


Sa mga viral videos na kumakalat sa Facebook, Instagram, at iba pang social media platforms, makikita ang ilang kabataang aktibista na sumisigaw nang malakas sa harap ng pulis.


Malakas na tanong tulad ng "Amerikano ba kayo?! Bakit ninyo pinagsisilbihan ang mga Amerikano?!" habang sinusubukang harapin ang linya ng pulis.


Sa ilang clip, makikitang sinusubukang i-breach ang security line, na nagresulta sa scuffle at pagkatumba ng ilang tao sa magkabilang panig.


Ang mga eksenang ito ang naging pokus ng maraming netizens, na nag-react sa paraan ng pagkilos ng ilan sa grupo.


Netizens Nag-React Sa Mga Video At Posts


Sa comments, shares, at mga viral posts sa X (dating Twitter), maraming netizen ang nagpahayag ng opinyon tungkol sa asal na ipinakita nila.












Habang ang protesta ay nakatuon sa mga isyu tulad ng US-led wars, militarization sa rehiyon, at karapatan ng kababaihan, ang mga viral clips ay nagbigay-diin sa mga sandali ng confrontation, na nagdulot ng mas malawak na diskusyon sa social media tungkol sa tamang paraan ng pagkilos-protesta.


photo courtesy of Manila Bulletin
photo courtesy of Manila Bulletin

May pumuna rin sa dinaanan ng mga aktibista, kung saan nag-iwan sila ng mga vandalism at spray-painted calls sa isang konkretong pader. Kabilang dito ang mga graffiti tulad ng "MARCOS SINGILIN!" at may nahalong panawagang naghihimok na “SUMAPI SA N.P.A." galing sa organisasyong ARMAS, isang underground mass organization (UGMO), katabi ng panawagan mula sa SINAG BAYAN, isang legal national democratic mass organization (NDMO). Pinapakita lamang nito ang tunay na kulay ng mga organisasyon bilang may direktang ugnayan sa CPP-NPA-NDFP, pero sila rin itong malakas umiyak at magparatang ng red-tagging.


Hanggang ngayon, patuloy na nagsha-share ang mga netizen ng mga clips at zoomed-in images mula sa insidente. Marami ang nananawagan ng mas maayos na protesta sa hinaharap upang maiwasan ang ganitong uri ng tensyon at pinsala sa pampublikong ari-arian.

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page