top of page

Ang kuno'y bangard ng rebolusyon, ahente na ngayon ng naghaharing uri

  • Word on the Street
  • Sep 21
  • 2 min read

Word on the Street is Kontra-Kwento’s letter to the editor. Send yours to kontrakwento@gmail.com


Psst, CPP-NPA-NDF, huwag na kayong mahiya. 


Aminin nyo na na ang gusto naman talaga ninyong sabihin, pero di nyo lang madiretso dahil awkward sa 'Marcos Never Again' stand ninyo, ay: "We will ensure and protect Marcos Junior's stay in power no matter what, because it will ensure our survival!"


Huwag na kayong magpanggap na “rebolusyonaryo,” kung ang interes naman ng naghaharing uri ang pinangangalagaan at pinoprotektahan ninyo. Huwag nyo nang ululin ang mamamayan na ang ginagawa nyo'y taktika lang para sa pagsulong ng rebolusyon, dahil naging likas na katangian nyo na ang makisiping sa mga kaaway sa uri sa lahat ng pagkakataon. Inabandona nyo na ang maka-uring interes ng pakikibaka. Lantad na ang kabalustugan ninyo bilang mga ahente ng “kaaway.” 


ree

Ika nga ni Chairman Mao: “Those who attempt to stand between the people and the enemy, those who play both sides, are in fact assisting the enemy. They are the class collaborators of imperialism and feudalism.” — On the Correct Handling of Contradictions Among the People (1957)


Kayong mga na nagpapauto pa sa Partido, mag-isip isip kayo. Walang Commission On Audit ang Partido. Ang lahat ng limpak-limpak na salapi na pumapasok sa Partido mula sa mga kaaway ng uri ay nasa kaalaman at kontrol lang ng HO [higher organ] ng anumang antas. Ang mga liderato lang ang nagtatakda kung paano at kanino mapupunta ang hatian. Ginagago lang kayong mga elemento o alyado, pambala lang kayo sa armadong adbentyur, pang-alay sa altar ng digmaang ang pamunuan lang ang nagbebenipisyo.


The worst betrayal is when the CPP-NPA-NDF becomes a rabid apologist for the ruling class and the rotten status quo. Ganap nang nangyayari ito sa ngayon. Mas masahol pa sila ngayon sa dating Lava-Taruc clique. Hindi lang oportunismo o kompromiso sa prinsipyo ang ginagawa nila sa kaaway ng uri, ibinubugaw pa nila ang buong pwersa para gamitin ng mga pulitiko sa kanilang panloloko sa masa.


Kailangan na ngang buwagin ang CPP-NPA-NDF, hindi na sila nagrerebolusyon para mapalaya ang masa. Sila mismo ang naglulugmok sa masa para tuluy-tuloy na tamasain ang  kasaganaang dulot ng pakikipagsabwatan sa mga kalaban ng uri. 


Lansagin ang CPP-NPA-NDF, protektor at ahente ng naghaharing uri!



Lope Nagusara

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page