EDSA uprising an anathema of the Maoist cult - CPP-NPA-NDF
- Word on the Street
- 13 minutes ago
- 2 min read

Ang kapal ng mukha ng mga CPP front groups na magpatampok sa EDSA Commemoration! Para sa mga aktibista ng CPP, inuulol lang kayo ng mga historical revisionist na matatanda ninyo. Living the Spirit of EDSA my foot! Default ang CPP-NPA-NDF sa EDSA, wala silang footprint in that historical upheaval.
Makinig, ganito yun: Sa dogmatikong ideolohiya ng mga Maoista, iisa lang ang dapat na hugis at hitsura ng tagumpay - ito ang total military victory ng Hukbong Bayan mula sa pagkubkob nito sa kanayunan at paligiran ang mga kalunsuran hanggang sa ganap na maagaw ang estado poder. Ang ibang porma, gaya ng insureksyon, o pag-aalsa, ay mga ilusyon lang na hinugot mula sa romantisismo ng petiburges na kaisipan.
Ang insidente na nagbunsod sa pag-aalsa sa EDSA, ay ang 1986 SNAP eleksyon. Dahil sa garapalang dinaya ito ng Diktadurang Marcos, nagwalk-out ang mga empleyado ng COMELEC sa bilangan, at tumulak na ito sa pagsiklab ng EDSA revolution. Nasan ang CPP-NPA-NDF sa makasaysayang kaganapang ito? Wala! Dahil nga saradong dogmatikong Maoista, buong yabang na binoykot ng CPP-NPA-NDF ang SNAP elections.
Kaya ng sumiklab ang EDSA natulala ang mga Maoista at nakatunganga lang ang liderato ng Partido habang nagaganap ang isang istratihikong pagpihit ng kasaysayan.
Ang mismong KS ng Partido ang umamin sa kanilang kapalpakan:
"Hindi nakapuwesto ang mga rebolusyonaryo sa ubod, at sa halip ay naibukod pa nga sa pangunahing agos ng mga pampulitikang pakikibaka ng mamamayan noong eleksyon (86) at matapos ito. Halos nasa pasibong pusisyon ang mga rebolusyonaryong pwersa dahil sa mga hangganan ng kanilang pampulitikang maniobra na itinakda ng kilusang boykot" (Ang Bayan, May 1986)
Ngayon, anong kredibilidad ng CPP-NPA-NDF at mga front organizations nito na mangaral hinggil aa EDSA? Nananawagan sila ngayon sa mga bagay na hindi naman sila naniwala.
Ito ang tandaan nyo, mga kadreng patola at aktibistang sunud-sunoran, kung meron mang dapat kayong matutunan sa EDSA, ito ay pag-amin at pagtanggap na isang malaking kamalian ang pagkahon sa rebolusyon sa digmaan at sa ilusyon ng total military victory - isang kahibangan ito na nananatili pa rin sa atrasadong kaisipan ng inyong kulto ng kamatayan na nagpapanggap na rebolusyonaryo.
Nananatili pa rin ang CPP-NPA-NDF that EDSA was a “bourgeois” or elite power transition—not a genuine social revolution. Kaya yung mga patampok nila na commemorative activities para sa EDSA, kuno'y mga fora para paghalaw ng aral ng EDSA, ay pawang mga pagkukunwari lang para makapagpropaganda at rekluta. Kinasusuklaman nila ang EDSA.





Comments