top of page

Chaba

  • Word on the Street
  • Aug 30, 2025
  • 2 min read

Word on the Street is Kontra-Kwento’s letter to the editor. Send yours to kontrakwento@gmail.com.

­Kinikilabutan pa rin ako tuwing pinanonood ko itong talumpati na ito sa isang pagtitipon upang parangalan ang yumaong si Ka Roger. Gumagapang na kilabot mula paa patungong dibdib.


Noong panahon na iyon ay lie-low ako, at kaba-baba ko lamang galing sa aking isang taong tour-of-duty sa isang larangang gerilya sa Kordilyera bilang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan o NPA.

 

Mula noong bagong aktibista pa lamang ako ay lubos na ang aking paghanga sa paninindigan at mga prinsipyo ng mga kasamang naigpawan ang mga personal na kontradiksyon at inaabot ang maksimum na antas sa pakikibaka—ang pagsapi sa BHB.


Naging isang malaking impluwensiya sa akin si Chaba [Charisse Bernadine Bañez].  Naging core memory ko na ang isang LFS anniversary/commemoration at pagkundena sa EDCA noong taong 2015. Halos 20+ lang kami pero buong loob kaming nagsagawa ng isang lightning rally sa harap ng US Embassy. Nadakip ang apat naming kasamahan, natatandaan kong isa sa mga nahuli ay si Orion Yoshida, na kalaunan ay nahuling sugatan sa isang larangang gerilya sa Isabela bilang NPA.

 

Video courtesy of Project Ano Ba Yan!

‘Di nagtagal, bumalik din ako sa Hukbo. Bitbit ang mga nakakapanindig balahibo at nakakagising ng rebolusyonaryong ardor na mga linya mula kay Chaba, nagpasya akong magbalik-NPA, sa Mindanao. Ending, nagkita kaming muli ni Chaba. Nikki na ang pangalan niya. Isa na siyang Political Instructor ng NPA noong panahon na ‘yon.


Mula sa pag-aagitate ng mga Kabataan-Estudyante sa kalakhang Maynila, patungo sa pag-oorganisa at pakikipaglaban bilang NPA sa mga kabundukan ng Dabaw. Yan ang pagkakakilala ko kay Chaba.

 

Pero mas nakakapangilabot yung pinagpipilitan ng Karapatan, Anakbayan etc na naratibo upang linlangin ang mga tao. Ang tanong, peasant organizer lang nga ba talaga si Chaba? Ang sagot, hindi po.

 


Magaan pa sa Feather

Trento, Agusan del Sur



Charisse Bernadine “Chaba” Bañez, alias Nikki, was arrested, along with 7 others, on June 13, 2025, by joint military and police forces in Bunawan, Agusan del Sur. According to former rebels in Southern Mindanao, she joined the NPA in 2018, and later rose to the ranks in the region's Southern Mindanao Regional Committee.

 
 
 

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page