Hypocrisy of ND Activists
- Word on the Street
- 2 days ago
- 2 min read
Updated: 24 hours ago
Word on the Street is Kontra-Kwento’s letter to the editor. Send yours to kontrakwento@gmail.com

Muling nagpapakita ng kahihiyan sa pagbabaluktot ng katotohanan tungkol kay Ceeka Garzon ang mga National Democratic Mass organizations at Makabayan Bloc, (mga legal front ng CPP-NPA).
Sinasabi nilang “simpleng aktibista” lang daw siya — minsan teacher, minsan artist, minsan IP rights advocate. Pero walang ni isa sa kanila ang makasagot: bakit siya naroroon sa encounter site na may baril at mga notebook na puno ng NPA ED (educational discussion) Pointers?
Hindi na nagtutugma ang mga sinasabi nila. Kapag nahuli na ang kanilang kasama, biglang “inosenteng aktibista”. Pero sa mga rally sila ang nagtutulak sa mga kabataan na “sumama sa rebolusyon” at “tumungo sa kanayunan”, biglang nagiging bayani ang NPA!
Nakakadiri ang hypocrisy. Ginagawa nilang “malas na desisyon” ang pagpasok ni Ceeka sa NPA, parang hindi sila mismo ang nagturo noon na ang tamang landas raw ay ang armed struggle. Pinaratangan pa nila ang militar na nang torture, kahit laganap ang ebidensya na trinato siya nang maayos nang ayon sa batas.
Gusto niyong palayain si Ceeka dahil nahaharap siya sa kasong may kinalaman sa pagiging "rebolusyonaryo" o pagiging bilanggong politikal, pero yung mga Former Rebels na pinalaya ng gobyerno at nakabalik sa kanilang dating pamumuhay ay binabansagan niyong "espiya", o" traydor ng kilusan" na siyang ginagamit na dahilan para targetin ng mga isparo ng NPA?
Sayang lang ang buhay ni Ceeka — ginamit, ginawang kasangkapan sa propaganda, tapos binalewala ng sariling mga kasamahan ang kanyang “rebolusyonaryong pagpapasya” sa pagtatago ng kanyang tunay na identity bilang isang insurgent.
Samantala, nananahimik ang mga aktibistang ito sa walang tigil na pagpaslang ng NPA sa mga sibilyan sa Negros na pinaratangan na espiya (SPY-TAGGED). Akala ko ba ayaw ninyo ng human rights abuses? Bakit kapag NPA ang pumatay ng inosenteng magsasaka at matanda, biglang wala kayong naririnig? Hypocrites.





Comments