Militansya sa panahon ng Clout-Chasing, at ang Mapanganib na Landas ng Insureksyonismo at Anarkismo
- Poseidon Name
- Sep 23
- 5 min read

Sa panahon ng social media, hindi na barikada ang unang hakbang ng radikalismo kundi viral posts, live streams at mga trending na hashtags. Malinaw na nakahanap ng bagong espasyo ang CPP-NPA-NDF: sakyan ang clout-chasing culture ng kabataan.
Kung dati, ang militansya ay hinuhubog sa mga “study group” at underground immersions, ngayon ay ipinapakete ito bilang cool, edgy, at shareable content. Rally bilang content. Islogan bilang hashtag. Activism bilang badge ng pagka-woke. Ngunit sa likod ng mga filter at aesthetics na ito ay ang mas mapanganib na realidad. Ang insureksyon at anarkismo na dinadaan sa likes at shares.
“Bahain ang Luneta”, “Ipakulong ang lahat ng mga kurap” at “No face no case”
Muling umalingawngaw at nagpakitang gilas ang sama-samang pagkilos. Ito ang mga primaryang panawagan kahapon, Setyembre 21, sa mga kilos-protesta laban sa korapsyon at iba pang pent-up issues ng katiwalian. Sa mga kalsada ng Maynila at iba pang sentro ng bansa, nagtipon ang libu-libong kabataan, aktibista, artista at organisasyon upang gunitain ang Martial Law at iprotesta ang anila’y nagpapatuloy na katiwalian at panunupil. Ngunit sa gitna ng makukulay na plakard, trending hashtags, at viral livestreams, may lumalakas na tanong: hanggang saan ang militansya, at saan ito nagiging tulay tungo sa insureksyunismo at anarkismo?
Militansya at ang Gaslighting ng Kilusan
Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang militansya ay naging instrumento upang buksan ang mga espasyo para sa reporma—mula sa kilusang makabayan ng dekada ’70 hanggang sa mga makabagong protesta laban sa katiwalian. Ang pagiging kritikal ng kabataan ay patunay ng isang buhay na demokrasya. Ngunit dito din pumapasok ang mapagsamantalang taktika ng CPP-NPA-NDF. Ang mga protestang dapat sana’y tahanan ng malayang ideya ay nagiging recruitment grounds.
Ang kaso ni Charisse Bañez ay hindi hiwalay sa iba pang mga kaso at isa nang matingkad na halimbawa. Dating student regent ng UP at nakilala sa hanay ng mga aktibista. Dating LFS National Chairperson. Ngayo’y nakakulong bilang bahagi ng tinaguriang “Agusan 6.”
Ayon sa gobyerno at kinumpirma ng mga dating rebelde tulad nina Arian Jane Ramos at Jam Saguino, hindi lang siya aktibista, bagkus, siya’y tumulay patungo sa armadong pakikibaka. Ngunit gaya ng playbook ng kilusan, ipinipinta siyang simpleng “militanteng estudyante-aktibista,” NA PARA BANG ang militansya ay walang kinalaman sa kanyang aktwal na pagsapi sa NPA.
WDYM playbook? Na ang bawat mahuli ay ikukubli sa maskara ng pagiging aktibista, when the truth is—isang kadre naman talaga ng New People’s Army at Communist Party of the Philippines. Tapos gagamitan ng empathy begging, na pagtatakpan bilang human rights violation.
Lansangan bilang Recruitment Ground
Sa unang tingin, ang mga mobilisasyon tulad ng Setyembre 21 ay tila simpleng pagtitipon ng mga mamamayan upang magpahayag ng saloobin laban sa mga isyung panlipunan—korapsyon, kahirapan, at pang-aabuso ng kapangyarihan. Ngunit sa likod ng sigaw at plakard, mayroong mas sistematikong operasyon na nagaganap.
Ayon sa testimonya ng mga dating rebelde, hindi lamang ito basta “rally.” Ginagamit ng CPP-NPA-NDF ang ganitong mga pagtitipon bilang pintuan ng pakikipag-ugnayan. Dito ay sinusuri nila kung sinu-sino ang may matinding agitation o galit, radikal na pananaw, at bukas ang loob sa ideya ng mas agresibong pakikibaka. Parang open audition.
Madalas, nagsisimula ito sa simpleng pakikipagkilala at pagbibigay ng materyales tulad ng polyeto at babasahin. Kasunod nito at ang pag-imbita sa mga education sessions o talakayang naka-tailor fit kung paano patataasin ang political consciousness kuno. Dito ipinapasok ang mas malalim na naratibo ng kilusan, na ang mga suliranin ng lipunan ay hindi malulutas sa mapayapang pamamaraan kundi sa pamamagitan ng radikal na pagbabago o ang armadong pakikibaka.
Kung magpapatuloy ang interes ng isang indibidwal, susunod ang immersion sa mga komunidad. Sa puntong ito, ipinapakita ang reyalidad ng kahirapan at kawalan ng serbisyo ng pamahalaan sa malalayong lugar—isang taktika upang lalong patibayin ang paniniwalang kailangan ng armadong pakikibaka.
Hanggang sa hindi na namamalayan ng isang aktibista na nagsimula lamang sa pagdalo sa rally, unti-unti nang lumalalim ang kanyang pananaw sa kilusan. Ang dating sigaw ng protesta sa lansangan ay nagiging aktwal na paglalakbay tungo sa kabundukan, dala ang paniniwalang bahagi na siya ng mas dakilang laban.
Clout-Chasing at ang Romantisasyon ng Laban
Sa ilalim ng bagong kultura ng social media, ang militansya ay ginagawang content. Ang mga kabataan ay tinuturuan na makita ang kanilang sarili bilang bahagi ng isang aesthetic movement. Kaya’t may mga linyang gaya ng kay Rep. Renee Co: “It’s time to make militant resistance the defining characteristic of the youth again.”
NA PARA BANG ang militansya ay isang badge of honor. NA PARA BANG natural para sa kabataan ang tumungo sa radikal na landas. Sa ganitong romantisasyon ng militansya, tila kinukunsinti pa ng Kabataan Party-list ang lawless violence, hinahayaan ang kabataan na makita ang rebolusyon at pag-aarmas bilang isang glamorous na yugto ng pakikibaka.
Anarkismo at Insureksyon: Madilim na Pangarap
Ang anarkismo, sa kanyang pure at natural na porma, ay ang pagsusulong ng lipunang walang estado, walang awtoridad, at walang namumuno. Sa papel, ito ay payak at ideal, ngunit sa totoong buhay, ito’y riot, panununog, at pamiminsala.
Samantala, ang insureksyon ay ang marahas na pagtatangkang durugin ng lahat ng awtoridad ng estado upang palitan ito ng bagong kaayusan sa pamamagitan ng armas sa kasyudaran. Sa Pilipinas, may ilang ulit nang tinangka ng CPP-NPA ang insureksyon. Nagsimula ito bilang ideolohikal na hati sa loob ng CPP-NPA, ngunit nauwi sa mga mararahas na dispersal at pagkamatay ng mga magsasaka (Mendiola Massacre, 1987).
Kapag pinagsama, ang anarkismo at insureksyon ay sabog na timpla: isang ideyalismong walang direksyon at karahasang walang hangganan.
Templated hype
Sa iba’t ibang bahagi ng Asya, paulit-ulit ang pattern: kabataan ang nasa lansangan, dala ang tapang at ideyalismo, ngunit sa dulo, sila rin ang nagiging pangunahing biktima. Kamakailan ngayong taon, nag-alsa ang Gen Z laban sa katiwalian at social media ban. Trending sa social media ang mga kilos-protesta, na nauwi sa pagbagsak ng gobyernong Nepali.
Sa Indonesia (2019–2023), sumulpot ang “black bloc”. Ito ay mga anarkistang nakamaskara na parang naghanap lang ng camera moment sa gitna ng rally. Sa halip na isulong ang tunay na laban kontra katiwalian, naging trending ang mga riot clip, sunog, at gulo sa Jakarta.
Ganito rin ang nangyari sa Myanmar Gen Z Revolution matapos ang kudeta noong 2021: sa una’y may romanticism ng kabataang nakatindig laban sa diktadura, pero nauwi sa digmaan, libu-libo ang napatay, at ang imahen ng kabataang rebelde ang ginawang poster child ng kaguluhan.
Ngayon, gustong dalhin sa Pilipinas ang ganitong templated hype. Mga tipo ng protesta na mukhang idealistic at Instagrammable. Ang kabataan ang ginagawang mukha ng laban, ang kabataan ang laman ng mga viral content, at sa huli, ang kabataan din ang nasusunog at nawawala.
“Magiging Kwento ka talaga”
Sa lahat ng ito, kabataan ang pinakamalupit na biktima. Ang mga dapat sana’y nag-aaral, nagtuturo, o lumilikha ng inobasyon, ay nagiging laman ng balita—nawawala, sumasapi, o nagiging bangkay. Ang mga magulang ay naiwan sa walang hanggang tanong: saan ba sila nagkamali?
Walang mali sa pagiging kritikal. Walang mali sa militansya kung ito’y panawagan para sa reporma at demokrasya. Ngunit nagiging mapanganib ito kapag ginamit ng CPP-NPA-NDF bilang tulay patungo sa armadong pakikibaka.
Sa panahon ng clout-chasing, madaling maakit ang kabataan sa imahen ng militansya bilang lifestyle, hashtag, o viral content. Ngunit sa likod ng mga filter at aesthetics, naroon ang madilim na katotohanan: clout-chasing para sa likes at shares—ito ngayon ang bagong recruitment tactic ng CPP-NPA-NDF. Sa ibabaw ay mga social media quote cards, reels, at hashtags; sa ilalim ay ang rebolusyon, insureksyon at anarkismo.
Hindi estado ang talo kundi kabataang may pangarap na ginagawang bala ng rebolusyon.
Kaya huwag magpa-FOMO (Fear of Missing Out) sa hype. Sa likod ng rally at broad alliances, ay ang mga galamay ng CPP-NPA na laging naghahanap ng masusunggaban. At sa playbook nila, kabataan lagi ang collateral.





Comments