top of page

NTF-ELCAC-ismo

  • Word on the Street
  • Sep 6
  • 2 min read

Word on the Street is Kontra-Kwento’s letter to the editor. Send yours to kontrakwento@gmail.com.

ree

Buwagin ang NTF-ELCAC!


Ito ngayon ang islogang pangkalawakan ng CPP-NPA-NDF at mga legal fronts nito. Kahit saan makikita ito sa mga placard nila, mula sa mga picket lines, rallies, election campaign, LRs, Eds, mobs, birtdey party, monthsary ng magka-relas, red dates, balentayns, binyag, lamay, misa, piyesta, myday, fb, hashtag, tiktok, op-od, balatengga, grocery list sa palara ng yosi, etc, etc… Ang NTF-ELCAC ang bangungot ng bawat suporter, alyado, kasapi, aktibista't kadre ng CPP-NPA-NDF. Sukdulan ang galit nila sa NTF-ELCAC, ang panggagaliiti nila'y abot hanggang impyerno kung nasan si Joma Sison ngayon nakikipag-tagayan sa kanyang mga alipores. 


Sa kasaysayan ng mga anti-insurgency programs ng gobyerno, napatunayan ang bisa ng tinatawag na “whole nation-government” approach na pinapatupad ngayon at pinangungunahan ng NTF-ELCAC. Noon kasi single-front ang strategy, lantay na military solution lang. Kaya kahit makatumba man ng ilang pulang mandirigma, o mabuwag ang baseng masa nito, wala pa rin itong sustainability. Tagumpay sa larangan ng propaganda lang ang inaani ng gobyerno. Hindi napapanghawakan ng matagal ang eryang sana ay na-liberate na sa pamamagitan ng military operations, dahil hindi nasasagot sa military solution lang ang usaping pagpapa-unlad ng dati'y ay mga sonang gerilya ng CPP-NPA-NDF. 


Isa sa mga batayang dahilan ng insurgency ay ang kahirapan at kawalan ng pag-unlad ng mga komunidad. Kaya sa mga pook na mahina ang presensya o walang serbisyo ng gobyerno namumugad at naghahari ang mga terorista. Mabasag man ng military operations ang base ng mga terorista, madali nila itong nababawi kung walang nailatag na kongkretong paglutas sa isyu ng kahirapan at kaunlaran sa mga komunidad. Ang usapin ng pagsugpo at paglaban sa mga terorista ay hindi lang tungkulin ng mga Militar at Kapulisan. Kahit Armadong Pakikibaka ang pangunahing istratehiya ng CPP-NPA-NDF sa pagsulong ng tinatawag nitong Demokratikong Rebolusyon ng Bayan, pulitikal-economic pa rin ang susi sa pagpuksa dito.


Kaya whole of government, kasi dito may mahalagang papel ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para sa mga infrastructure development projects, Health and Education, Livelihood, Peace and security, maging ang accessibility sa justice system at ang amnestiya ng mga dating rebelde. Kailangang mapatupad ang mga ito sa lahat ng mga pook na matagal nang hindi naabutan ng presensya ng gobyerno, at sigurihin lang na ang mga mamamayan ang main stakeholders ng lahat nang ito. Kapag ganito ang latag, kahit anong gapang pa ng mga terorista para hikayatin muli ang mamamayan na bumalik sa kilusan, ang mga mamamayan na mismo ang maninindigan at lalaban sa kanila.


Dagdag dito, ang whole of nation naman ay tayong lahat, hindi lang ang gobyerno. Ibig sabihin bawat isa ay may papel na maiaambag sa laban sa teroristang CPP-NPA-NDF. Target na nirerekluta nila ang iba't ibang sektor lalo na ang kabataan, manggagawa, magsasaka, kababaihan, at mga taong simbahan. Papel natin na mabigyan ng kaalaman at payo ang ating mga anak, kapamilya, kaibigan atbp na target ng kanilang recruitment. Dahil kalakhan ay labanan sa propaganda, patuloy silang magpapakalat ng kasinungalingan, kaya sa lahat ng pagkakataon, pagtulungan nating ilantad at tutulan sila sa social media o kahit saang platform. 


BUWAGIN ANG NTF-ELCAC! ABOLISH NTF-ELCAC! ang pinakaimportateng islogan ngayon ng CPP-NPA-NDF. Inangat at pinantay na nila ito batayang problema. Kaya ngayon, Imperyalismo, Pyudalismo, Burukrata Kapitalismo, at ang pang-apat, NTF-ELCAC-ismo! 



Lope Nagusara
 
 
 

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page