Oportunista at class collaborators na CPP-NPA-NDF
- Word on the Street
- Sep 19
- 1 min read
Word on the Street is Kontra-Kwento’s letter to the editor. Send yours to kontrakwento@gmail.com

Matagal nang pinapakita ng CPP-NPA-NDF ang sukdulang makakanang opurtunismo at pakikipagkompromiso nito. Lantad na ang pagbulusok nito bilang class collaborators. Sinakripisyo na nito ang mga prinsipyo para sa opurtunistang akomodasyon sa mga kaaway sa uri para lang mapanatili ang relevance at survival nito. Alam na ng bayan ang pagpapakatuta nito sa mga kapitalista, oligarkiya at mga ganid na trapo gaya ni Tambaloslos.
Matagal na silang nasa Kongreso, alam nila ang maduming kalakaran at nakawan sa loob noon pa man. Pero wala silang imik dito, bagkus sumasang-ayon at sinasakyan nila ito dahil sila mismo'y naaambunan ng grasya. Ang larangan ng parlyamento ay ginagawa lang nila na balon ng pera at platform ng propaganda, hindi arena ng pagsulong ng pakikibaka.
Ngayon sa isyu ng korapsyon, ang mga oportunista at class collaborators na CPP-NPA-NDF ay nakakita na naman ng pagkakataong magmayapag na kunyari sila'y kontra-korapsyon at para sa pagbabago. Sasakyan at aagawin na naman nila ang inisiyataba at naratibo sa laban ng masa kontra korapsyon at para sa pagbabago.
Huwag tayong magpalinlang sa kanilang mga pakana. Huwag tayong pa-ulol sa kanilang mga tahol.
Ang tanging habol ng CPP-NPA-NDF
ay kapangyarihan
Hindi nila gusto ng pagbabago—
gusto nilang pumwesto kahit ayaw sila ng tao.





Comments