PAHAYAG | Fake News Alert: Kasinungalingang mga Pahayag Kinokondena ng Kadre-Mimaropa
- Jay Dimaguiba
- Aug 4
- 2 min read
Updated: Aug 9

Ang tuloy-tuloy na paglabag sa karapatang-pantao ng Lucio de Guzman Command sa kanilang illigal na pagrekluta sa mga taong may di kanais-nais na rekord at krimen sa mamamayan, isang pugante sa kulongan tulad ni Ka Aljun.
Ayon sa post ng 4th IB noong Agosto 1, bandang 8:35, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng sandatahang lakas ng gobyerno ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan sa Sityo Salidang, Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro.
Ayon sa pahayag nagresulta ang sagupaang ito ng pagkasawi ng 1 membro ng BHB. Pagkatapos ng pangyayaring ito, isinaayos ng 4th IB ang nasabing bangkay ng nasawi sa labanan.
Ang nasabing nasawi ay kinilala ng isang dating kasamahan ni Ka Aljun sa loob ng yunit ng BHB taong 2012 mula na ito ay nakatakas sa kulungan o isang pugante. Ito'y kinupkop ng yunit ng BHB sa halip na ibalik o hindi tanggapin upang patunayan na sila ay tagapagtaguyod ng mamamayan. Ngunit kabalintunaan at kabalintaran sa kanilang pinangangalandakang patakaran sa loob ng kilusan na tagapagtanggol ng mamamayan. Mahabang panahon na kanilang kinupkop, ginagamit bilang taguyod sa loob ng kanilang grupo, tagatiyak sa seguridad at lalo't higit pinagkatiwalaan nila sa paghawak ng sandata. Isinasama nila si Ka Aljun sa isang operasyong militar na itinakda ng Partido.
Nasaan ang pinangangalandakan ng Lucio de Guzman Command na diumano nasa tamang edad, walang masamang rekord, tamang pag-iisip at huwaran ang kanilang napapasampa sa kilusan? Ang nangyari kay Ka Aljun ay isang patunay na ang BHB sa pamumuno ng Lucio de Guzman Command, sarili nilang patakaran at disiplina ay sila mismo ang lumalabag.
Sa usapinng pagpapasampa, pag-organisa, at pagpapakilos na kahit angkatulad ni Ka Aljun na may kinakaharap na maraming kaso at pugante ang kanilang nagagamit at napapakilos para sa interes ng kanilang Partido.
Ayon sa mga taga-Karapatan, ang pagkasawi sa isang labanan kay Ka Aljun at paglabas sa karapatang pantao at IDL samantalang kasama g armadog grupong lumalaban sa gobyerno? Bakit hindi nila nakikita ang pagpatay ng NPA sa pangunguna ni Madaay Gasic ang pag-ambush/pag-torture at pagpaslang sa harap ng kanyang mga anak kay Mayuay Onaw na residente ng Mantay Brgy. Monteclaro. Nagnanais na maging malayang mamuhay at mapag-aral ang kanyang mga anak, magkaroon ng trabaho para mabigyan ng dagdag kabuhayan ang kanyang pamilya at komunidad. Umalis sa kontrol ng Partido na nagpapahirap at nagpapagulo sa mga komunidad ng mga katutubo sa buong islang Mindoro? Ano ang kasagutan ng Lucio de Guzman Command sa pagpaslang, overkill isa lamang sa listahan si Bapa Mayu-ay Onaw sa kasong paglabag sa karapatang pantao at IHL.
Nanawagan ang Kadre Mimaropa sa lahat ng mamamayang Mindoreño, buong Mimaropa ana paigtigin ang pagmamatyag, maging matalas, tiyaking naprotektahan ang ating pamilya, komunidad na hindi malinlang ng mga rebeldeng grupo sa kanilang matatamis na propaganda ngunit ang resulta ay kahirapan, kaguluhan, hanggang mamatay na walang patutunguhan.
Kapayapaan, kabuhayan at kaligtasan ang hangad ng mamamayang Mindoreño! Mindoro, atin ito! Huwag tangkilikin at palayasin ang Partido Komunista ng Pilipinas!
KADRE MIMAROPA





Comments