top of page

Pwedeng Maging Aktibista nang Hindi Sumasama sa Terorismo

  • Word on the Street
  • 7 oras ang nakalipas
  • 3 (na) min nang nabasa

Word on the Street is Kontra-Kwento’s letter to the editor. Send yours to kontrakwento@gmail.com



ni Ka Bistek


Marami tayo ngayong kinakaharap na mga lehitimong isyu: korapsyon, mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng disenteng trabaho, mahinang serbisyong panlipunan, at patuloy na pagyurak ng ibang bansa sa ating soberanya. Tama at makatarungan naman talaga ang maging kritikal sa gobyerno. Tama ring maging passionate sa social justice at maging aktibista. Ang demokrasya ay hindi nangangahulugang tahimik na pagsang-ayon—ito ay espasyo para sa protesta, organisasyon, at pananagutan.


Ngunit hindi ito dahilan para sumama sa mga legal front organizations ng Communist Party of the Philippines (CPP). Matagal nang pattern ang kanilang paraan: gamitin ang tunay na issues ng mamamayan—kahirapan, katiwalian, kawalan ng lupa at iba pa—bilang pang-akit para mang-recruit. Ang layunin ay hindi pangmatagalang solusyon sa loob ng demokrasya, kundi ang pagbuo ng New People’s Army (NPA) units (ArPak bilang Pangunahing anyo ng pakikibaka ayon sa MKLRP). Sa kalaunan, ang armadong pwersa ay nagiging makinarya ng extortion (revolutionary tax) na nagpapayaman sa iilang nasa taas ng hierarchy, habang ang mga ordinaryong miyembro at komunidad ang nagsasakripisyo, nasasawi, o naiipit. Hindi pa kasama rito ang mga alegasyong pagtanggap ng mga kongresistang “MAKABAYAN” ng mga maleta ng perang ninakaw sa kaban ng taumbayan.


Hindi sapat ang mga problema ng bansa para tumungo sa terorismo. Ang armadong pakikibaka ay hindi simpleng “alternatibo”—ito ay daan na puno ng karahasan laban sa sibilyan, internal purges, at panlilinlang. Marami nang naibahagi kaming mga dating rebelde. Ilang dating cadre at mass activist ang nagbahagi kung paano sila unang naakit sa idealismo, pagkatapos ay naranasan ang kontrol, takot, at pagkabigo. Ang kanilang mga kwento ay malinaw: ang “rebolusyon” ay madalas nagtatapos sa personal na trahedya at hindi sa paglaya ng masa.


Ngunit may ibang landas para sa tunay na aktibismo. May mga dating rebelde at dating masa na pinagsamantalahan ng CPP-NPA-NDFP na ngayon ay nagsusulong ng pagbabago sa mapayapa at demokratikong paraan—sa pamamagitan ng legal na adbokasiya, edukasyon, at komunidad na organisasyon. Mayroon ding maraming socio-civic groups na aktibo nang hindi nagtutulak ng armadong terorismo. Dagdag pa rito ay proactive na nakikipagtulungan pa nga sa mga ahensya ng gobyerno para maitulak na maidala ang mga serbisyong panlipunan sa mga komunidad sa kanayunan.Halimbawa, ang Buklod Kapayapaan Federation Inc. (BKFI), pambansang pederasyon ng mahigit 55,000 dating rebelde ay aktibong nagsusulong ng livelihood projects, skills training, peace education, at anti-recruitment campaigns nang hindi umaasa sa armadong pakikibaka. Ang KADRE (Kapatiran ng mga Dating Rebelde) sa mga rehiyon tulad ng MIMAROPA ay nagbibigay ng livelihood support, community-based peacebuilding, at representasyon sa gobyerno para sa reintegration. Mayroon ding lokal na people’s organizations ng dating rebelde na bumubuo ng cooperatives at livelihood associations.


Mas marami sa mamamayan ang naghahanap ng tunay na mga demokratikong samahan. Ngunit nabahiran ang larangan ng aktibismo dahil sa extremist at teroristang gawi ng CPP-NPA na madalas nauuwi sa gulo, takot, at pagkakahati. Kapansin-pansin ang siklo: maglunsad ng kampanya, idisenyo o hayaang mabigo, pagkatapos ay gamitin ang kabiguan para sabihing “wala nang pag-asa sa demokrasya,” kaya dapat sumama na ang mga miyembro sa armadong pakikibaka. Ito ang mekanismo ng pang-uuto na makikita sa Makabayan bloc at iba pang national democratic organizations na kinikilalang legal fronts. Dahil dito, ang mga isyu nila ay madalas hindi naisasakatuparan nang tunay—hindi dahil imposible ang pagbabago, kundi dahil ang estratehiya mismo ay nakatuon sa pagpapakita ng kabiguan ng sistema.


Hindi totoo na wala nang demokrasya. May espasyo pa rin para sa lehitimong protesta, pananaliksik, legal na laban, at organisadong pagkilos. Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi sinusukat sa kahandaan na pumatay o mamatay para sa isang partido, kundi sa kakayahang magtrabaho nang matiyaga para sa reformang may resulta.


Piliin natin ang landas na hindi nagtatapos sa karahasan at panlilinlang. Maging kritikal. Maging aktibo. Maging passionate sa katarungan. Pero manatiling demokratiko—para sa ating sarili, sa ating pamilya, at sa susunod na henerasyon.



Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page