top of page

Steph, nabanggit ko na rin ang mga linyang ‘yan noon

  • Armee Besario
  • 12 minutes ago
  • 3 min read

Pinili mong magsalita sa gitna ng ingay, at alam kong hindi madali iyon. Narinig ko ang linaw at tapang sa boses mo at ang galit sa kawalan ng hustisya, ang pagnanais na ipagtanggol ang sarili, ang paniniwalang ikaw mismo ang may hawak ng direksyon ng buhay mo. Iyan ang mga katangiang madalas hinahangaan sa isang kabataang aktibista. At iyan din ang mga katangiang nakita ko sa sarili ko noon.


May isang linya sa bidyo mo na hindi ko basta napalagpas.


“Hindi ako namanipulate.”

Nang marinig ko iyon, napatigil ako. Hindi dahil hindi kita pinaniwalaan, kundi dahil eksakto itong linya na minsan ko ring sinabi. Buo rin ang loob ko noon. Maliwanag ang pakiramdam ko. Sigurado ako na ang mga desisyong ginagawa ko ay akin, that I came into my own, sa sarili kong konsensya. Walang pumilit, walang nanloko, at walang nag-udyok. Yun ang totoo kong naramdaman.


Pero yan ang hindi agad naiintindihan ng marami. Ang manipulasyon, kapag mahusay ang pagkakagawa, ay hindi kailanman nararamdaman na panlilinlang. Parang waking up. Isang biglang linaw kung saan malinaw mo nang makikita na ang mundo ay nahahati sa dapat at hindi dapat, sa api at mapang-api, sa may panig at walang panig. Hindi ka tinatali; pinaparamdam sa’yo na ikaw ang pumili. Hindi ka inuutusan pero tinuturuan kang magself-rationalize, na kumbinsihin ang sarili mo.


Noong sinabi mong hindi ka namanipulate, rinig ko ang katiyakang iyon. Narinig ko ang tapang. Pero rinig ko rin ang boses ng isang kabataang tinuruan na ang pagdududa ay kahinaan, na ang pag-aatubili ay pagtataksil, at na ang pag-amin ng kalituhan ay pabor sa kaaway, sa status quo. Sa ganitong kalagayan, ang pagtanggi at pagtago, kahit sa mga bagay na malinaw na sa iba, lalu na sa tulad naming former rebel, ay nagiging hindi kasinungalingan, kundi disiplina at loyalty.


May mga salitang ginamit sa bidyo mo na pamilyar sa akin: immersion, pakikipamuhay, research. Mga salitang madalas ginagamit upang ipaliwanag ang presensya sa mga lugar na hindi kayang banggitin nang tuwiran. Nang ikuwento mong ikaw ay nasa paanan ng bundok habang ramdam ang yanig ng putukan, bumalik sa akin ang mga paliwanag na minsan ko ring ginamit: kung paanong ilarawan ang lapit sa armadong tunggalian nang hindi pinapangalanan kung nasaan ka talaga.


Hindi ko ito sinasabi para ipitin ka sa detalye o ipahiya sa mga tanong on geography. Sinasabi ko ito dahil alam ko na may mga paliwanag na hindi ginagawa para magbigay-linaw, kundi para i-redirect ang conversation. At sa paliwanag na iyon, ang katotohonan ang unang natatabunan.


Ang mas mahalagang tanong ay hindi kung ano ka nang napadpad ka sa Mindoro, dahil para sa aming mga former rebel, malinaw na yun. The question is why in the moment when you were required to shed light on why you were really in Mindoro, mas pinili mong ibahin ang usapan. Ang hinihintay na paliwanag ng publiko, lalo na nang pamilya mo, ay sino ang sinamahan mo pagpunta o ng Mindoro at  kung nasaan ka ngayon, sino ang kumukupkop sa iyo. Pero mas pinili mong ikwento ang mga kalagayan ng katutubong ni isa ay walang nagsabing nakasama ka o nakausap man lang. 


Kung ang katapatan sa katotohanan ay kailangang isantabi upang mapanatili ang isang naratibo, sino ang tunay na pinoprotektahan ng naratibong yon? Definitely hindi ang masang Mangyan, o ang mga Mindoreño.


Noon, naniwala rin akong ang paglihis sa ilang detalye ay maliit na halaga kapalit ng mas malaking layunin. Na ang buong konteksto ay luho sa gitna ng tunggalian. Na ang pagsasabi ng lahat ay maaaring “makasama sa masa at sa organisasyon.” Sa bawat pag-uulit ng ganitong lohika, lalong tumitibay ang paniniwalang ikaw ang may hawak ng manibela, kahit dahan-dahan na akong pumipihit sa pagsasabi ng outright na kasinungalingan.


Steph, hindi ko rin naman sinasabing huminto ka sa pagiging aktibista. Hindi kita pinapayuhang manahimik o tumalikod sa mga isyung nararapat pag-usapan. Ang galit mo ay may pinanggagalingan at dapat lang na maging ahente tayo ng pagbabago sa lipunan. Ang apoy sa puso mo ay dapat tularan ng lahat ng kabataan. Ngunit ang apoy ay madaling gamitin ng mga taong marunong magsindi o mang-gaslight, at mas marunong umiwas kapag may napapaso o nasusunog na.


Kung may isang paalala akong maibibigay, ito iyon: huwag kang tumigil sa pakikibaka pero huwag mo ring hayaang may sinumang makinabang sa mga pagtanggi mo. Huwag mong hayaang ang tapang mo ay magamit para protektahan ang accountability ng iba. Otherwise, yung kamatayan ni Jerlyn na kasama mo sa yunit ng NPA noong engkwentro ng Bagong Taon ay mawawalan ng saysay. 



 
 
 

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page