top of page

Tahol at Meow sa Balay Panaghiusa: animal health caravan, inilunsad

  • Damian Santillana
  • Aug 13
  • 1 min read

ASUNCION, DAVAO DEL NORTE — Muling nagkaroon ng masayang ingay sa isang former rebels halfway house dito, pero hindi mula sa pulong o seminar, kundi sa mga tahol at meow ng mga alagang hayop na mga former rebel (FR) at mga residente ng komunidad na pumila para sa libreng bakuna laban sa rabies.

ree

Sa pakikipagtulungan ng Kalinaw Davao del Norte, and panlalawigang pederasyon ng mga dating kasapi ng CPP-NPA-NDF na nagbalik-loob, at ng Provincial Veterinary Office (PVO) ng Davao del Norte, inilunsad ang “Bantay Hayop, Bantay Katawhan: Community Animal Health and Welfare Caravan” noong Agosto 12 sa Balay Panaghiusa sa Barangay Doña Andrea, Asuncion.

“Nagpapasalamat ako kasi bilang FR na nagsisikap mag-hanapbuhay at mag-reintegrate sa community, syempre busy. Buti na lang nagkaroon sila ng pagkakataong makapunta rito,” sabi ni alias Anj, dating kasapi ng NPA sa Front Guerilla 56, matapos mapabakunahan ang kanyang pusa.

Bukod sa libreng bakuna, nagsagawa rin ang mga beterinaryo at kawani ng PVO ng seminar tungkol sa rabies prevention at responsableng pag-aalaga ng hayop.


ree

Kaakibat ng pagdiriwang ng International Cat Day noong Biyernes at ng nalalapit na International Dog Day sa Agosto 26, layunin ng caravan na suportahan ang reintegrasyon ng mga FR, maghatid ng serbisyo sa komunidad, at magpalaganap ng kaalaman tungkol sa rabies.


 
 
 

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page