top of page

FR DIARIES | Ang susi sa pagpapanatili ng kapayapaan, sa lente ng isang dating guro at dating rebelde

  • Damian Santillana
  • Oct 6
  • 2 min read

Photo courtesy of Gelejurain I Alce Nguho
Photo courtesy of Gelejurain I Alce Nguho

Maging isang chef sana ang pangarap ni Gelejurain I Alce Nguho, ngunit dahil sa kahirapan, at sa maling paniniwalang ikinintal sa kanila ng CPP-NPA-NDFP, ibang landas ang kanyang natahak.



Si Nguho, o mas kilala bilang si Jurain, ay isang dating iskolar ng Mindanao Interfaith Services Foundation, Inc. (MISFI) na naging miyembro ng New People’s Army. Noong 2020, siya’y nagdesisyong magbabagong buhay at sa ngayo’y isa nang sundalo sa ilalim ng Philippine Army.



“Culinary sana talaga ang gusto kong makuhang kurso, pero dahil sa kahirapan at kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral, sinunggaban ko na lang ‘yung scholarship na inoper ng Partido para maging isang guro, pero sa kondisyon na pagka-graduate, ibabalik mo sa kanila ‘yung serbisyo.”



Pinapirma sina Jurain ng return service agreement, isang kontrata na nagsasaad na sa loob ng dalawang taon ay magtuturo sila sa Lumad schools na ipinatayo ng CPP sa pamamagitan ng mga ligal na organisasyon nito. Dito, mas lalong lumalim ang pag-intindi nya sa kalagayan ng edukasyon para sa mga Lumad.



“Hindi natin maitatanggi na may malaking kakulangan talaga sa paghahatid ng mga batayang serbisyo tulad ng edukasyon sa mga Lumad. Tuwing pumupunta kami sa erya, naririnig namin ang mga hinanaing nila.”

Idinagdag ni Jurain na kahit siya, na hindi lumad, ay hirap na makapag-aral, at ang suliraning ito sa edukasyon ang sinasamantala ng CPP.



“Laging ikinikintal sa isip namin na ang lahat ng ito, ang problema ng kalumaran, problema sa edukasyon, ay masasagot lamang ng armadong pakikibaka.”



Nang malapit nang matapos ang kanilang dalawang taong kontrata ay biglang nagkaroon ng isang bagong kasunduan na kailangan ulit nilang magserbisyo nang limang taon. Ngunit dahil ipinasara na ng gobyerno ang mga sinabing “Lumad schools” tulad ng MISFI, para patuloy na mahawakan ng CPP ang mga guro ay ipagpapatuloy nila ang natitirang taon ng kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pagiging “revolutionary integree” sa mga larangang gerilya. Ibig sabihin ay magiging mga armadong kasapi sila ng NPA.



Ngunit hindi magtatagal ay mahuhuli sina Jurain at ang kanyang nobya ng 27th Infantry Battalion kasunod ng isang engkwentro sa Paquibato District, Davao City noong 2020.



Ngayon, makalipas ang halos apat na taon ay nagpapatuloy sa paglilingkod sa sambayanan si Jurain bilang bahagi ng Philippine Army.


Photo courtesy of Gelejurain I Alce Nguho
Photo courtesy of Gelejurain I Alce Nguho

“Sana kahit insurgency-free na ang kalakhan sa rehiyon ng Davao mas matugunan pa rin ang mga pangangailangan sa batayang serbisyo tulad ng edukasyon,” panawagan ni Jurain sa pamahalaan. “Sana hindi mapag-iwanan ang mga kapatid nating Lumad. Magiging malaking bagay ito para maipanumbalik ang tiwala ng kalumaran sa ating gobyerno at mapanatili ang kapayapaan.”



Sa ngayon, ibinalita ni Jurain na patuloy silang nagsisikap na makonsolida ang mga katulad nyang iskolar noon upang makapasa sa Licensure Examination for Teachers. Nagtutulungan din ang mga tulad nyang former rebels na makapaghanap ng mga eskwelahan para sa mga dating guro na nawalan ng mapagtuturuan bunga ng pagpapasara sa mga Lumad school.



Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page