Ang Walang Humpay na Pangga-g*go ng CPP-NPA-NDFP
- Word on the Street
- 6 hours ago
- 2 min read
Word on the Street is Kontra-Kwento’s letter to the editor. Send yours to kontrakwento@gmail.com

Di na mabenta ang mga pang-uul*l ng CPP-NPA-NDF sa taumbayan. Panis na ang mga pilit nilang pagsisinungaling hinggil sa mga nahuhuli o namamatay nilang mga kasamahan.
May dalawang pormula ang kulto ng mga Maoista sa mga kapanalig nilang mga t*nga kaya minalas na natimbog o nabuwal.
Una, kapag may nahuli sa gitna ng bakbakan, o sa mga raid, agad agad nila itong babansagang mga "researchers, human rights workers, environmentalists, cultural workers, journalists, organizers, vivamax star, etc..." na parang mga inosenteng tupa lang ang mga ito. Tapos para naman may propaganda at fund raising value ang kat*ngahan ng mga natimbog, ikakampanya ito gamit ang islogang, FREE PUROK POGI (X bilang ng mga nabuslo)!
Pangalawa, kapag nalagas naman ito sa enkwentro, ang maririnig mo'y parangal at mga mantrang "pinakamataas na pagpugay sa martir ng bayan..." at syempre pa, panawagan ulit ng Justice for (Kupal)! sabay sa panawagang Militar sa Kanayunan Palaysin! - isang panawagan ng mga woke snowflakes for so-called "safe spaces" para yung digmaan nila ay maging "war games" na lang, laru-larong giyera-giyerahan na walang tunay na kalaban!
Sinong inu-ul*l nitong mga kupal na to? Todo yabang na manawagan ng digmang bayan, pero kapag nadehado at may matimbog o mabuwal sa hanay nila - iiyak, ngangawa at gagamit ng kung anu-anong "law" sh*t just to save their kith and of course, raise funds.
At dahil sila'y isang Death Cult, sa likod ng isipan ng mga panginoon nila, mas mainam na mamamatay na lang ang mga tang*ng kasapi dahil mas madaling gawin ang martyr myth-making propaganda, kesa sa mga magkaso-kaso pa na hindi naman sila naniniwala sa batas ng estado.
57 years na panga-g*go ang ginawa nitong Maoistang kulto ng CPP-NPA-NDFP, tama na! Tapusin na tong kaul*lan nila! Save our youth at patuloy na ilantad ang mga front organizations nila bilang mga recruitment and "tour of duty" processing centers ng NPA.





Comments