BIDYO | Pighati ng Ina at Sigaw ng Mindoro: Panagutin ang CPP–NPA–NDFP at mga Kaalyadong Organisasyon
- Kontra Kwento
- Jan 10
- 1 min read
Bagong taon, malinaw ang panawagan ng Mindoro: CPP–NPA–NDFP, layas. Sa Mamburao, Occidental Mindoro, sinalubong ng mapayapang rali ang pananatili ng KARAPATAN Southern Tagalog, kung saan humigit-kumulang 100 kabataan at katutubong Mindoreño ang nagtipon upang tutulan ang presensya ng CPP–NPA–NDFP at ng mga ligal na prenteng organisasyon nito. Isinagawa ang kilos-protesta kasunod ng serye ng mga engkwentro sa Abra de Ilog, kabilang ang sagupaan noong Enero 1 na ikinasawi ng isang estudyante.
Kasabay ng panawagang ito ang pighati ng isang ina na nawalan ng anak matapos umanong malinlang ng KABATAAN Partylist upang mamundok at sumama sa NPA. Namatay ang kanyang anak matapos atakehin ng sakit sa gitna ng sunod-sunod na labanan sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Ayon sa ina, inakyat pa sa kabundukan ang kanyang anak kahit batid ng mga kasamahan nito sa kilusan ang matinding karamdaman at sugat sa paa na kanyang dinadala.
Ito ang panawagan ng ina ni Jerlyn Doydora, isang miyembro ng KABATAAN Partylist: pananagutan at hustisya. Sa kanyang pahayag, direkta niyang itinuro ang pamunuan ng organisasyon at sinabi: “Renee Co, lider ng KABATAAN Partylist, ikaw ang dapat managot sa sinapit ng aking anak. Wala kang hiya.”
Para sa mga Mindoreño, malinaw ang mensahe: ipagtanggol ang kapayapaan, ilayo ang komunidad sa karahasan, at wakasan ang panlilinlang na dulot ng armadong tunggalian.





Comments