top of page

Kalagayan ng kababaihang FR, nabiktimang mga sektor, tampok sa dayalogo sa Southern Mindanao

  • Damian Santillana
  • 4 days ago
  • 2 min read
ree

MAWAB, DAVAO DE ORO—Hitik sa mga aral at repleksyon ang ginanap na “Women and International Law: Legal Dialogue and Testimonial Sharing of Women Former Rebels” na inilunsad ng Kalinaw Southeastern Mindanao Inc. (Kalinaw SEMR) at Rizal Memorial Colleges – School of Law (RMC-SOL) nitong ika-8 ng Nobyembre sa Camp General Manuel T. Yan Sr., Mawab, Davao de Oro.


Dinaluhan ng mga kababaihang former rebel (FR), lumad, at manggagawang-bukid at ng mga mag-aaral at propesor mula sa akedamiya at ligal na sektor, layon ng programa na mapalalim ang pag-unawa ng publiko sa mga naging karanasan at kahirapan ng mga kababaihang dumanas ng radikalisasyon at naging direkta at di-direktang bahagi ng armadong insurhensya.


ree

Nagbahagi ang mga kababaihang FR ng mga testimonya kung paano sila narekrut sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines, gayundin ang mga pagsubok ngayong nagbalik-loob na sila. Kabilang sa mga hamon na ito ang kinakaharap nilang mga kaso.


Nagbahagi rin ang mga kabataang Lumad at manggagawang-bukid kung paano kinasangkapan ng CPP-NPA-NDFP ang mga Lumad school at kilusang bakwit upang protektahan ang mga base nito. Ibinahagi rin ng mga dating babaeng unyonista ang kanilang naging papel at karanasan sa mga unyon at sa kilusang manggagawa. Pagkatapos nito ay nagbigay naman ng mga reaksyon at rekomendasyon ang mga mag-aaral mula sa RMC-SOL.


“Nagpapasalamat kami sa ipinakita ninyong courage na nag-inspire sa amin na maging mas mabubuting tao at mabubuting manananggol at abogado,” ani Adrian Tamayo, RMC Law student. “Sama-sama tayong magtutulungan para buuin ang isang better future for our nation.”


“Nagpapasalamat kami na nabigyan kami ng pagkakataon na maibahagi ang aming mga karanasan at mapakinggan ng mga tulad ninyong nag-aaral ng abugasya,” ito naman ang nasambit ni Norma Capuyan, isa sa mga kababaihang manggagawang-bukid. “Umaasa kami na magiging kasangga namin kayo sa pagtulong sa mga kapwa naming nagbalik-loob at dumaranas ng kagipitan upang wala nang bumalik sa armadong pakikibaka at mapanatili na ang kapayapaan.”

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page