top of page

‘Pagtugon sa ugat ng insurhensya, susi sa pagpapanatili ng insurgency-free Davao Norte’ 

  • Damian Santillana
  • Jul 27
  • 3 min read

Updated: Jul 28

Sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng pagiging insurgency-free ng Davao del Norte na ginanap sa Davao del Norte Sports Complex nitong ika-26 ng Hulyo, binigyang-diin ni Governor Edwin I. Jubahib ang kahalagahan ng patuloy na paghahatid ng serbisyo tulad ng pabahay, kalsada, eskwelahan at mga pangkalusugang pasilidad upang mapanatili ang kapayapaan at hindi na manumbalik pa ang insurhensya.


ree


Matatandaang idineklarang insurgency-free ang Davao del Norte noong ika-13 ng Hunyo, 2022 matapos matagumpay na malansag ang mga natitirang yunit ng New People's Army sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ibat-ibang ahensya ng goyerno at security sector.



“Paningkamutan nako (…) to sustain our gains nga dili na ta mabalikan pa usab sa insurhensya. Kung unsaman kalisud ang pagsulbad sa insurgency nga nahimo tang insurgency-free ingon ana usab kalisud o mas labaw pa kalisud ang pag-sustain para magpadayon ta nga insurgency-free province,” saad ni Gobernador Jubahib.



(“Sisikapin kong maipagpatuloy ang mga napagtagumpayan natin upang hindi na manumbalik ang insurhensya. Kung gaano man kahirap ang paglutas ng insurhensya ay kasinghirap o mas mahirap pa ang pagpapanatili ng pagiging insurgency-free ng ating probinsya.”)



Kaugnay nito, binanggit naman ng panauhing pandangal na si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Carlito Galvez Jr. ang mga plano para sa ipamamahaging livelihood program at scholarship para sa mga IPs (indigenous people) at FRs (former rebels o friends rescued).



We have already implemented the local peace engagement initiative and transformation program to address the root causes of armed conflict and the most pressing concerns affecting our friends rescued and peace advocates,” ani Sec.  Galvez.



Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Kalinaw Davao del Norte, ang panlalawigang pederasyon ng mga dating kasapi ng CPP-NPA-NDFP at mga people’s organization, sa pagkakamit ng kapayapaan at pagkakaisa.



“Among paningkamutan nga (…) maangat ang panginabuhian sa mga pamilya ug malikayan na [ang pagbalik] sa armadong panagbangi,” ani Bartolome Labastida Jr., Presidente ng Kalinaw Davao del Norte. “Hagit sa tanang katawhan maningkamot nga maangat ang panginabuhian. Ang mga benepisyo, mga proyekto nga atong madawat atong gamiton, atong ayuhon sa pagdumala.”



(“Sisikapin namin na maiangat ang estado ng pamumuhay ng mga pamilya at nang hindi na manumbalik pa ang armadong tunggalian. Hamon sa ating lahat na magsumikap sa paghahanapbuhay. Ang mga benepisyo, mga proyektong natatanggap natin ay dapat maayos nating gamitin at pamahalaan.”)



Tampok sa programa ang paggawad sa 27 na mga FR ng Localized E-CLIP assistance (Enhanced Comprehensive Local Integration Program) na hiwalay pa sa matatanggap nilang E-CLIP package mula sa Department of Interior and Local Government.

Bukod dito, mahit 100 na mga membro ng Kalinaw Davao del Norte din ang nakatanggap ng ipinamahaging food pack mula sa Provincial Welfare and Development Office (PSWDO).

 

Whole-of-Nation approach



Ayon kay Gobernador Jubahib, hindi sapat na ang gobyerno at armadong pwersa lamang ang nagsisikap. Dahil sa pakikipagtulungan maging ng pribadong sektor at laluna ng mga mamamayan mismo, nakamit ang katiwasayan at kapayapaan.



“Ang pagsulbad sa dugay nang giantos ng insurgency dili diay kaya sa usa lang, dili kaya sa duha, o lima, kundili kaya nato kung kitang tanan magtinabangay,” ani Gov. Jubahib.

(“Ang paglutas sa matagal na nating tinitiis na insurhensya ay hindi kaya ng isa lamang, ng dalawa o lima, kundi kaya kung lahat tayo ay magtutulungan.”)



“Mao ni ang gitawag og Whole-of-nation approach ug ang solusyon diay sa dugay nang insurhensya masulti nato nga through good governance. Kinahanglan ang serbisyo sa gobyerno nga patas, serbisyo sa gobyerno nga walay gipili, serbisyo sa gobyerno nga makatao ug sinsero alang sa isig ka tawo,” dagdag nya.



(“Ito ang tinatawag na Whole-of-nation approach, at ang solusyon sa matagal nang insurhensya ay masasabi nating sa pamamagitan ng good governance. Kailangan ang serbisyo mula sa gobyerno na patas, serbisyo mula sa gobyerno na hindi namimili, serbisyo mula sa gobyerno na makatao at sinsero sa kapwa tao.”)


ree

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page