top of page

BREAKING | EXCLUSIVE Kadre-Mimaropa: Pugante si Ka Aljun nang sumampa sa NPA

  • Writer: Jay Dimaguiba
    Jay Dimaguiba
  • Aug 4
  • 2 min read

Updated: Aug 9

SAN JOSE, OCCIDENTAL MINDORO— Eklusibong nakakuha ang Kontra Kwento ng pahayag mula sa KADRE-Mimaropa, ang pederasyon ng mga former rebel sa isla, na nagkumpirmang ang armadong myembro ng New People's Army na napatay sa engkuwentro noong Agosto 1 ay si Juan “Ka Aljun” Sumilhig, isang pugante mula sa Sablayan Penal Colony. Salungat ito sa sinasabing “magsasakang sibilyan” na pagkakalarawan ng Karapatan Southern Tagalog sa napatay na myembro ng NPA.


Bandang 8:35 a.m. noong Agosto 1, nagkasagupa ang isang yunit ng 4th Infantry Battalion at yunit ng NPA sa Sitio Salidang, Brgy. Monteclaro, San Jose. Ayon sa 4th IB, isang rebelde ang napatay. Agad itong ibinalita ng Karapatan-Southern Tagalog sa isang "bukas na liham" para sa pamahalaang lokal ng San Jose at panlalawigang pamahalaan ng Occidental Mindoro.


Handwritten statement ng Pamunuan ng KADRE-MIMAROPA
Handwritten statement ng Pamunuan ng KADRE-MIMAROPA

Mismong dating mga kasamahan ni Sumilhig ang tumukoy sa bangkay. Ayon sa opisyal na dokumento mula sa Sablayan Prison and Penal Farm na ibinahagi ng Kadre-Mimaropa sa Kontra Kwento, si Sumilhig ay nahatulang guilty sa double murder at double frustrated murder taong 2006, tumakas sa kulungan noong 2012 kasama ang dalawang bilanggo.* Dagdag ng Kadre-Mimaropa, sa Mindoro siya kinupkop ng NPA at naging pultaym o regular na gerilya bago lumipat sa milisyang-bayan. Labag ito, anila sa sarili nilang "patakaran at disiplina."



Kredibilidad


“Nasaan ang pinangangalandakan ng Lucio de Guzman Command na nasa tamang edad, walang masamang rekord, tamang pag-iisip at huwaran ang kanilang napapasampa sa kilusan?” tanong ng pederasyon patungkol sa kredibilidad ng NPA.


“Tuloy-tuloy na paglabag… ng Lucio de Guzman Command sa kanilang illegal na pagre-rekluta,” giit ng grupo, idinagdag na ginamit ng NPA ang puganteng si Ka Aljun sa mga armadong operasyon sa halip na isuko o itakwil.


Nagbanggit pa ang pederasyon ng ibang insidente—kabilang ang pag-ambush at pagpatay sa isang Bapa Mayuay Onaw sa parehong barangay—na hindi man lang umano kinokondena ng Karapatan.


Sa huling bahagi ng kanilang pahayag, hinimok ng Kadre-Mimaropa "ang mamamayang Mindoreño, buong Mimaropa na paigtigin ang pagmamatyag, maging matalas, tiyaking naprotektahan ang ating pamilya, komunidad na hindi malinlang ng mga rebeldeng grupo sa kanilang matatamis na propaganda..."


Nito lang nakaraang linggo, nilinaw ng mga dating myembro ng NPA na sina Job David at Alia Encela ang pagkakasali ng kanilang pagka-aresto bilang mga myembro ng NPA noong Setyembre 2023 sa listahan ng diumano'y mga paglabag sa karapatang pantao. Matatandaang kinundena noon ng Karapatan ang pagkaka-aresto sa kanila, kasama ng kapwa gerilyang si Peter del Monte Jr., at inilarawan silang mga "sibilyang aktibista." Inamin ng tatlo ang kanilang pagiging gerilya at nang lumaon ay sumuko sa awtoridad.




* Ang mga kasama ni Sumilhig na sumampa sa NPA-Mindoro ay sina Ka Niel at Ka Manong. Si Ka Niel ay pinaniniwalaang nakauwi sa kanila sa Davao, habang si Manong naman ay namalagi sa katutubuan at doon nakapag-asawa. Dahil sa mga reklamo ng mga masang katutubo roon hinggil sa pangmomolestya at sekswal na abuso, nakulong muli si Ka Manong. Sa Roxas siya nakakulong sa kasalukuyan.

Comments


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page