top of page

NYC, Matinding Kinondena ang Paggamit sa Kabataan sa Armadong Engkwentro sa Toboso

  • Xandro Marko Leandro Montero
  • 4 araw ang nakalipas
  • 2 (na) min nang nabasa

Toboso, Negros Occidental — Mariing kinondena ng National Youth Commission (NYC) ang patuloy na pagsasamantala ng mga rebeldeng grupo sa mga kabataan matapos kumpirmahin ang pagkakasangkot ng hindi bababa sa sampung (10) batang Pilipino sa isang armadong engkwentro sa Toboso, Negros Occidental.


Ayon sa opisyal na pahayag ng NYC, lubos na nag-aalala ang komisyon sa pag-recruit at paggamit sa mga menor de edad at young adults sa ilegal na armadong labanan. “The NYC strongly condemns the exploitation of minors and young adults, whose vulnerabilities are weaponized to draw them into illegal armed conflict and place them in extreme peril,” babala ng komisyon. Suportado ng NYC ang rekomendasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang iminungkahing congressional inquiry upang mapanagot ang mga responsable at maiwasan ang pag-ulit ng ganitong trahedya.


Binigyang-diin din ng NYC na dapat maging pokus ng kabataan ang pag-aaral, paglago, at makabuluhang kontribusyon sa lipunan, hindi ang ilagay ang kanilang buhay sa panganib. “Service should never mean sacrifice of life,” ani pa nila. Nagpahayag din sila ng malalim na pakikiramay sa mga pamilya at komunidad na nawalan ng kabataan dahil sa insidente. Nanawagan ang komisyon na huwag hayaang gawing normal o romantiko ang partisipasyon ng kabataan sa armadong karahasan.


Dating Aktibista: May Mekanismo sa Pag-recruit sa NPA


Sa isang maikling panayam, ibinahagi ni Ka Jhun — dating miyembro ng Anakbayan sa Metro Manila — ang karanasan niya sa loob ng leftist youth organization at kung paano siya na-recruit patungo sa New People’s Army (NPA).


Ayon kay Ka Jhun, nagsimula siyang ma-recruit sa Anakbayan sa edad na 14 taong gulang. Aktibo siya hanggang senior high school, nakilahok sa iba’t ibang pagkilos at sa mga Oplan Pinta at Oplan Dikit (OPOD). “Di kalaunan ay na-recruit ako para sumapi sa NPA,” kuwento niya.


“Mayroon talagang mekanismo para gawing NPA ang mga kabataang aktibista,” paliwanag ni Ka Jhun. Aniya, target ng Partido na gawing mga “kadre” na fully developed ang karamihan sa mga miyembro nito. Kahit hindi agad mag-full time sa bundok, ang karanasan sa kanayunan ay magagamit raw bilang “pambala sa propaganda.”


“Ang kasabihan ay, kung hindi mo kayang sumampa o mag-full time sa taas, ay magpasampa ka sa baba,” dagdag niya. Ito raw ang karaniwang landas na ginagamit upang mapanatili ang daloy ng mga bagong rekrut mula sa mga youth organizations patungo sa armadong grupo.


Ang testimonya ni Ka Jhun ay nagbibigay ng sariwang perspektibo sa mga mekanismo ng recruitment na matagal nang iniuulat ng mga awtoridad. Ito rin ay sumasabay sa babala ng NYC laban sa radicalization ng kabataan.


Patuloy na pinatitibay ng NYC ang kanilang local convergence programs upang maprotektahan ang mga kabataan sa komunidad mula sa impluwensya ng mga grupong nais na gamitin sila sa armadong pakikibaka. Nananatiling paninindigan ng komisyon na ang kabataan ay dapat protektahan, suportahan, at bigyan ng pagkakataong umunlad sa isang mapayapang lipunan.


Mga Komento


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page