top of page

UNPOPULAR OPINION | Bakit iginigiit ng LFS na ang school shooting ay problemang pampamilya?

  • Cleve Sta. Ana
  • 11 minuto ang nakalipas
  • 2 (na) min nang nabasa

Matapos ang dalawang fatal na insidente ng pamamaril sa mga paaralan sa loob lamang ng ilang buwan, mistulang itinutulak ng League of Filipino Students (LFS) ang sisi sa mga magulang at pamilya. May papel ang pamilya sa pagpapalaki at paggabay sa mga kabataan, ngunit hindi nito maaaring isantabi ang papel ng mga paaralan at iba pang institusyong may direktang access sa mga estudyante.


Ayon sa National Chairperson ng LFS na si Gabriel Magtibay sa isang pahayag, “We should solve violence at home and in our communities first before having to crack down at school gates.


Hindi ba’t kapag nasa loob ng paaralan ang isang bata, responsibilidad din ng paaralan na tiyakin ang kanyang kaligtasan? Kabilang dito ang seguridad sa campus, access control, threat assessment, emergency protocols at koordinasyon sa mga awtoridad.

At bakit tila ayaw ng LFS na makialam ang pamahalaan sa usapin ng seguridad at radikalisasyon sa mga paaralan?


Ayon sa mga dating rebelde, ang mga paaralan at youth organizations ay mga lugar para sa recruitment ng kabataan tungo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army. 


Kapag paulit-ulit nilang itutulak ang usapin patungo lamang sa pamilya, maaari nitong maimpluwensiyahan ang direksiyon ng public policy – mas malaking pressure sa mga magulang, at mas kaunting pokus sa nangyayari sa loob mismo ng mga paaralan. At kung mababawasan ang pokus ng pamahalaan sa mga campus, nababawasan din ang pressure sa mga grupong nagsasagawa ng terror grooming sa mga paaralan. Hindi dapat piliin kung pamilya lang o paaralan lang ang pananagutin. Kung tunay na kaligtasan ng mga bata ang pinag-uusapan, dapat nating tingnan ang lahat ng lugar kung saan sila maaaring malantad sa karahasan, radicalization at recruitment. 


At sa rekrutment ng CPP-NPA, isa sa mga lugar na yan ay ang paaralan.

Hindi ibig sabihin nito na walang pananagutan ang mga magulang. May pananagutan ang pamilya, ngunit mayroon ding pananagutan ang paaralan. At kung may mga organisasyong gumagamit ng educational spaces para impluwensiyahan o marecruit ang mga kabataan, dapat ding siyasatin iyon.


Kasama rito ang tahanan. Kasama rito ang paaralan. At kasama rito ang mga organisasyong pumapasok sa buhay ng ating mga kabataan.


Mga Komento


Kontra-Kwento is a collective composed of former cadres of the CPP-NPA-NDFP who have traded our rifles for pens, keyboards, and cameras. We are determined to expose false narratives and foster critical but constructive social awareness and activism. Through truthful storytelling and sharp, evidence-based analysis, we stand with communities harmed by disinformation and violent extremism.

Grounded in hard-won experience from the front lines of conflict, we bring an insider’s perspective to the struggle against extremist propaganda. We hope to empower communities with knowledge, equip the youth to recognize manipulation and grooming, and advocate relentlessly for social justice.​

Join us as we turn our lived experience into honest reportage. Together, let's unmask lies, defend the truth, and serve the Filipino people.

bottom of page